Sabado, Setyembre 28, 2013

The Man with a Million Moves

Kilala mo ba siya?
Sa tingin ko ni isa sa atin walang di nakakakilala
sa kanya mapa HATERS man o FANS.
Sino nga ba siya ?
Isang basketbolistang may PUSO,
PASYON at walang yabang sa sarili.
Sa kanyang 3 points shot
pati puso ko'y nadala, 
di lamang siguro ako pati na ang mga karibal ko.
Sa kanyang pag-lay-up,
Pati na ako'y lumilay-up sa indak sa kanyang galing.
Siya ay isang tao, di perpekto pero totoo,
Lalo na sa larangan ng pagiging ama.
Gaya ng iba, nakakaranas din siya ng kabiguan,
paninisi o pangbabatikos mula sa kanyang HATERS,
HATERS na siyang nagpapasikat pa lalo sa kanyang pangalan, 
HATERS niyang palaging bukang-bibig ang kanyang ngalan.
Laos daw? eH ni paslit kiLala siya?
Yun na ba ang ibig sabihin ng LAOS??
Nag-iiba na nga ang ihip ng hangin ngayon, 
Mismong ibig-sabihin ng LAOS di na wari.
Kung may sweldo man ang pagiging HATERS,
Ke'yayaman na niLa. (BALATO naman pag may time)
Sa pananaw ko di babansagang THE MAN WITH A MILLION MOVES,
o dili kaya'y FACE OF PBA ang taong ito,
kung wala siya pinatunaya sa akin, sa iba at sa kanyang sarili.
Siya'y si JAMES YAP, 
JAMES YAP na tumatak sa isip at puso ko, 
di lamang sa akin at sa lahat ng umiidolo sa kanya, 
idamay na rin natin ang mga naglilipanang HATERS niya.
Si James Yap na di kayang pantayan ng sinuman sa PUSO naming umiidolo sa kanya.
Sa anumang laban niya, 
Handa ako, kaming umagapay at ipagtanggol siya,
Sumablay man ang kanyang TIRA, 
Sumablay man ang 3pts shot niya, 
Handa kaming magtiwala sa kanya, 
Dahil yan ang FAN, tunay na FAN, 
Handang lumaban sa laban ng kanyang iniidoLo,
Ikaw sino IDOLO mo ???


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento